Inihayag ng Department of Education (DepEd) na naging maayos ang unang araw ng pagbabalik sa normal na klase ng mga estudyante, sa mga pampublikong paaralan kahapon kasabay ng paggunita ng All Soul’s Day.
Ayon kay DepEd spokesperon Michael Poa, walang natatanggap na anumang uri ng krimen ang kanilang ahensya mula sa mga rehiyon sa bansa.
Iginiit ng ahensya na kanilang bibigyang konsiderasyon ang ilang mga paaralan na hirap paring magpatupad ng face to face classes, dahil sa classroom shortage bunsod ng mataas na bilang ng enrollees at mga nasirang silid-aralan dulot ng mga nagdaang kalamidad.
Sa kabila nito, tiniyak ni Poa na handa ang kanilang ahensya na tugunan ang anumang problema at banta na may kaugnayan sa mga paaralan.