Nagka-problema agad ang unang araw ng paggamit ng beep card sa LRT 1 Northbound ngayong araw.
Ayon sa ilang report, hindi gumana ang mga beep card sa Gil Puyat station, dahilan para maantala ng kalahating oras ang pagpasok ng mga commuter sa tren.
Umaasa pa man din ang mga mananakay na sa pamamagitan ng beep card, mas mabilis na at mas mahusay na ang sistema ng ticketing sa LRT 1.
Samantala, namomroblema naman ngayon ang ilang mga pasaherong nakabili na ng maraming ticket coupon bago ang implementasyon ng beep card system.
Hindi umano alam ng ilang commuters na simula na ngayong araw ang paggamit ng beep cards sa LRT-1 kaya bumili sila ng mga ticket coupon na magagamit pa sa buong linggong ito.
Una nang ipinatupad ang beep card o tap-and-go system sa Southbound ng LRT-1 at LRT-2.
By: Jonathan Andal