Umarangkada na ang unang araw ng pahahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbo sa midterm elections sa Mayo ng 2019.
Nangunguna sa paghain ng kanilang COC ang mga kandidato ng PDP-Laban na sina re-electionist Senator Koko Pimentel at singer Freddie Aguilar.
LOOK: Senator Aquilono “Koko” Pimentel III is the first filer for Senatoriables in the Filing of COC for #NLE2019. pic.twitter.com/TAm1ud0lQO
— COMELEC (@COMELEC) October 10, 2018
Ang iba pang kilalang pangalan na naunang naghain ng kanilang COC ay sina dating Pagsanjan Laguna Mayor at dating pulis na si Abner Afuang at Dr. Willie Ong, isang doktor na may sampung milyong followers sa internet.
Sa kabila ng panawagan ng COMELEC na iwasang gawing circus ang paghahain ng mga kandidato ng kanilang COC ay dumagsa pa rin ang mga supporters ng iba’t ibang kandidato sa COMELEC sa Intramuros.
Sa party-list, kabilang sa mga nangunang maghain ng COC ang Partido ng Bayan ang Bida (PBB), Kabayan, Abono, Butil, Manila Teachers at PBA.
—-