Naging maayos ang unang araw ng pagpapatupad ng alert level system sa ilang mga lalawigan.
Ito’y ayon kay Union of Local Authorities of the Philippines o ULAP President Quirino Gov. Dakila Cua at sinabing matagal nang pinag-uusapan ng iba’t ibang LGU’s ang implementasyon ng alert level system.
Aniya, noon pa man ay nakikiusap na siya sa Department of the Interior and Local Government na magkaroon ng webinar kung paano ipatutupad ang mga bagong panuntunan.
Magugunitang hiniling ng League of Provinces of the Philippines na ipagpaliban ang pagpapatupad ng alert level system sa labas ng NCR.
Sinabi naman ni Cua na sinusuportahan niya ang mga kapwa gobernador hinggil dito ngunit marapat aniyang sundin muna kung ano ang kautusan ng gobyerno. —sa panulat ni Hya Ludivico