Patuloy ang panawagan ng Philippine National Police o PNP sa mga taga-Metro Manila na makipagtulungan, sumunod sa patakaran at unawain ang mga bagong patakaran.
Ito ang pahayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ngayong nagsimula na ang General Community Quarantine o GCQ with granular lockdown at alert level system sa NCR.
Ayon kay Eleazar, generally peaceful naman ang unang araw ng GCQ kung saan, may mangilan-ngilang negosyo na ang nagbukas, subalit limitado pa rin ang maaaring lumabas.
Batay sa datos ng PNP mula nang isailalim ang Metro Manila sa MECQ ay aabot sa 300 libo ang kanilang nahuling lumalabag mula Agosto a-21 hanggang kahapon, Setyembre a-15.
Naniniwala si Eleazar na ang pagsunod lamang sa Quarantine Protocols ang susi upang ganap na mapigilan ang mabilis na pagkalat ng virus sa buong bansa