Pangkalahatang naging mapayapa naman ang naging unang araw ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila
Ito ang naging pagtaya ng Joint Task Force COVID-19 Shield bagama’t kapansin-pansin ang malaking bilang ng mga pribadong sasakyang bumaybay sa EDSA kahapon
Sa panayam ng DWIZ kay JTF Covid Shield Commander p/Ltg. Guillermo Eleazar, masasabing hindi pa ramdam ang epekto ng pagluluwag sa seguridad kahapon, tiyak namang magkakaalaman sa unang araw ng trabaho ng ilang manggagawa sa lunes, Mayo 18
Dahil dito, sinabi ni Eleazar na tuloy pa rin ang mga ikakasang checkpoint lalo na sa EDSA kung saan duon inaasahang daragsa ang mga magsisilabasan
Kaya ‘yung suggestion natin o advice natin sa mga elite commanders, even before na magkaroon tayo ng GCQ in May 1 is that our enforcement or more than 4,000 checkpoint operations [We will be strict on the vehicles]. Pero kung mahaba na ang pila, we have to release itong volume ng sasakyan natin para hindi mahaba ang traffic. At kung nakita natin ulit na maayos na ang daloy ng trapiko doon tayo ulit mag-random ng check point. ani Eleazar
Bagama’t aminado ang mga awtoridad na malaki ang ibinaba ng krimen sa dalawang buwang lockdown sa metro manila at iba pang panig ng bansa, mainam na manatili pa rin ani Eleazar ang pagpapatupad ng curfew mapanatiling mababa ang antas ng krimen
Mandated pa rin na magkaroon ng curfwe ang iba’t ibang local goverment units sa patuloy na pagpasa or pag-i-implement ng ordianances na pinasa na at kung sakali man mag-adjust. But as long as may curfew sa gabi for non-workers malaking tulong sa atin habang wala pang tayong vaccine o bakuna sa COVID-19. At the same time malaking tulong ‘yan sa pagbaba ng krimen sa ating bansa. ani Eleazar sa panayam ng DWIZ