Bagama’t kuntento sa maayos na latag ng seguridad sa mga Ayuda Center sa unang arwa ng pamamahagi ng ayuda sa mga lokalidad, ayaw pa ring magpakakampante ng Philippine National Police o PNP.
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar makaraang sabihin nito na generally peaceful ang unang araw ng pamamahagi ng ECQ ayuda sa kaniyang pagbisita sa ilang Ayuda Centers sa mga lugar ng Maynila at Quezon City.
Kabilang sa mga ininspeksyon ni Eleazar ang Ayuda Centers sa Benigno Aquino Elementary School sa Bgy. Commonwealth at ang Corazon Aquino Elementary School sa Brgy. Batasan, na pawang nasa lungsod Quezon.
Matapos nito ay tinungo rin ni Eleazar ang mga Ayuda Centers sa Manila High School gayundin sa Marcelo Agoncillo Elementary School sa lungsod naman ng Maynila.
Hindi naman nagsasawang magpaalala ang PNP sa publiko lalo na sa mga kukuha ng ayuda na sumunod sa mga itinakdang panuntunan upang maiwasan ang anumang aberya.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)