Aarangkada na bukas ang unang araw ng pasukan para sa school year 2021-2022.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, inaasahan nilang mas magiging maayos ang pagbubukas ng klase dahil ito na ang ikalawang taon ng implementasyon ng distance learning.
Sa ilalim ng kasalukuyang education scheme, mag-aaral ang mga estudyante gamit ang mga printed at digital modules, video conferencing, social media, telebisyon, at radyo.
Batay naman sa datos mula sa Department of Education (DepEd), halos 22 milyong estudyante na ang rehistrado para sa basic education sa mga pampubliko at pribadong paaralan na mas mababa kumpara sa 26.2 million students noong nakaraang taon.