Pangkalatahang naging maayos at walang aberya ang pagsisimula ng klase para sa School Year 2022-2023.
Inihayag ni Department of Education spokesman Michael Poa na wala pang natatanggap na ulat ang kagawaran ng anumang insidente kaugnay ng pagbubukas ng klase hanggang alas- 9:20 kahapon ng umaga.
Tiniyak naman ni Poa na patuloy ang kanilang monitoring sa mga paaralan.
Umabot sa 28 milyong mag-aaral ang nagbalik-eskwela sa unang araw ng School Year 2022-2023 kahapon.