Posibleng ulanin ang unang araw ng klase bukas.
Ayon sa PAG-ASA, ito’y dahil sa Low Pressure Area sa silangang bahagi ng bansa na maaaring maging bagyo sa loob ng 24 oras.
Kapag naging ganap na bagyo, papangalanan itong “Domeng” oras na pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ang LPA sa layong 390 kilometers silangan ng Surigao City.
Hindi ito inaasahang maglalandfall pero makakaapekto pa rin sa bansa lalo na sa martes.
Magdadala ito ng katamtaman hanggang paminsan minsa’y malakas na buhos ng ulan sa Eastern Visayas at Caraga.
Mula ngayon hanggang bukas naman, katamtaman hanggang malakas na pag-ulan rin ang mararanasan sa Palawan, Mindoro, Western Sections ng Visayas at Mindanao.
Dito naman sa Metro Manila at sa buong luzon, isolated rains at thundersotrms ang aasahan tuwing hapon at gabi.