Uulanin ang ilang bahagi ng bansa sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
Ayon sa PAGASA, dulot ito ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalakas ng Low Pressure Area (LPA) na nasa silangan ng Central Luzon.
Ang mga rehiyong uulanin hanggang sa Lunes ay ang Southern Luzon at Visayas.
Hindi naman nakikita ng PAGASA na magiging isang ganap na bagyo ang LPA na inaasahang lalabas sa bansa pagsapit ng Huwebes sa susunod sa linggo.