Aabot sa 100,000 pesos ang reward na ibinigay ng lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa sa lolang nagdiwang ng ika-100 kaarawan noong Agosto 11.
Personal na ipinaabot ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon ang cash gift kay Aida Cruz Del Rosario, na kauna-unahan ding registered female architect sa bansa.
Nagtapos ito sa University of Santo Tomas sa panahong dominado ng mga lalaki ang nasabing larangan.
Si Lola Aida rin ang kauna-unahang centenarian na tumuntong sa edad na 100 sa Muntinlupa.
Ang cash award ay alinsunod sa Centenarians Act of 2016 o Republic Act 10868, na nag-uutos sa pamahalaan na parangalan ang mga mamamayang 100 taong gulang pataas upang kilalanin ang kanilang kontribusyon sa bansa.