Nahalal sa Greece ang kauna unahang babaeng pangulo rito.
Ito ay sa katauhan ni High Court Judge Katerina Sakellaropoulou na una nang itinalaga ni Prime Minister Kyriakos Mitsotakis bilang ‘non partisan candidate’.
Si Sakellaropoulou na nakakuha ng 261 votes laban sa 33 votes nang nakatunggali ay pinuri dahil sa pagiging magaling na hurado na mayruong kakayahang mapagkaisa ang Greece.
Nagpaabot na rin ng pagbati ang ilang world leaders sa panalo ni Sakellaropoulou sa pangunguna ni European Commission President Ursula Von Der Leyen at European Council Head Charles Michel.