Inalerto ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao para sa paparating na sama ng panahon sa weekend.
Ayon sa PAGASA, nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayan nilang low pressure area (LPA).
Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong dalawang libo walongdaang (2,800) kilometro Silangan ng Mindanao.
Inaasahang sa Biyernes o Sabado papasok ng PAR ang LPA.
Oras na maging ganap na bagyo, tatawagin itong Amang na siyang kauna-unahang bagyo para sa 2019.
—-