Nagsimula nang magbahay-bahay ang mga health workers para bakunahan ang mga batang may edad lima pababa.
Unang bahagi pa lamang ito ng ‘synchronized polio vaccination’ sa piling mga lugar sa bansa.
Kabilang sa mga priority areas ang National Capital Region, Lanao Del Sur, Davao Del Sur, Marawi City at Davao City.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, lahat ng batang may edad lima pababa ay bibigyan ng Oral Polio Vaccine (OPV) dahil hindi na praktikal na hanapin pa ang vaccination record ng mga ito.