Dinumog ng mga Muslim at Kristiyano ang kauna-unahang Bangsamoro Assembly na ginanap sa lumang kapitolyo ng Maguindanao sa Sultan Kudarat.
Ayon kay Vice Chairman Gadzali Jaafar ng Moro Islamic Liberation Front o MILF, ang pagsasagawa ng Bangsamoro Assembly ay nakasaad sa executive order ng Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo sa Bangsamoro Transition Commission.
Sa pulong na dinaluhan ng humigit kumulang sa isang milyong Muslim at Kristiyano, binasa ang iba’t ibang manifesto patungkol sa Bangsamoro Basic Law o BBL na nakabinbin pa sa kasalukuyan sa Kongreso.
“Yun pong mga manifesto nila, manifesto ng civil society organizations, manifesto ng mga kababayan natin mula sa iba-ibang lalawigan, isu-summarize namin ito.” Pahayag ni Jaafar
(Balitang Todong Lakas Interview)