Posibleng maipamahagi na ng Philippine National Police ang unang batch ng mga body camera na gagamitin ng mga pulis na sasabak sa anti drug operations ngayong ikalawang quarter ng taon ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde.
Sinabi ni Albayalde, nagsimula na ang bidding process sa pagbili ng mga body cameras matapos maaprubahan ang mahigit 300 milyong pisong pondo para dito.
Dagdag ni Albayalde, nagkaroon na rin aniya ng demonstration para sa mga bibilhing body cam at kanilang inaasahang darating na ang unang batch ng mga ito.
Magugunitang ipinag-utos ni Dating PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagbili at paggamit ng mga body cameras ng mga pulis na sumasabak sa anti illegal drug operations kasunod ng kontrobersiya sa pagkamatay ng mga kabataang sina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.