Natanggap na ng COMELEC ang unang COC o Certificate of Canvass para sa ikalawang bahagi ng plebisito kaugnay sa Bangsamoro Organic Law nitong nakalipas na Pebrero 6.
Sinabi ni Administrative Aide 4 Jaime Salonga ng reception and custody group na dumating ang COC na naglalaman ng resulta ng plebisito mag a alas 4:00pm kahapon at mula sa Tulunan at Carmen sa lalawigan ng North Cotabato.
Magugunitang itinakda na sa Lunes, February 11 ng National Plebiscite Board of Canvassers ang kanilang pag convene para sa gagawing canvassing.