Ipamamahagi sa ilang ospital sa Metro Manila, ilang healthcare facilities sa Cebu at Davao ang unang batch ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Pfizer-BioNTech.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, halimbawa sa Metro Manila, unang makatatanggap ng bakuna ang mga COVID-19 referral centers, malalaking ospital ng mga LGUs, at limang mga pribadong ospital sa rehiyon.
Una nang sinabi ni Vergeire, na ang mga tauhan ng Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium at East Avenue Medical Center ang unang mababakunahan kontra COVID-19.
Mababatid na ngayong buwan ay inaasahan ng bansa ang higit sa 110,000 doses ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech.