32 bagong S-701 Black Hawk Helicopters ang binili ng gobyerno para sa Philippine Air Force.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, inaasahang darating ang unang batch ng mga military asset, binubuo ng 5 helicopter sa susunod na taon.
Susundan ito ng iba pang batches sa taong 2024 hanggang 2026.
Nagkakahalaga ito ng P32-B na binili mula sa Polish-Aerospace PZL Mielec, na subsidiary ng American Firm Lockheed Martin.
Binabalangkas na aniya ang contract agreement para sa mga helicopter, na susundan ng notice to proceed upang maisakatuparan ang proyekto.