Nasa Philippine Embassy na ang unang batch ng mga Pilipinong inilikas mula sa Iraq at dadalhin ang mga ito sa Doha, Qatar bago tuluyang ilipad pa Pilipinas bukas.
Ang nasabing batch ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong ay binubuo ng 14 na Pinoy.
Sinabi ni Andolong na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga inililikas na Pinoy mula sa Iraq dahil sa patuloy na panawagan ng embahada ng bansa doon para sa mga Pinoy na nais munang umuwi ng bansa.
Patuloy aniyang ina-assess ni special envoy to the middle east at DENR Secretary Roy Cimatu ang sitwasyon sa Iran, Iraq, Libya at mga kalapit na bansa at ito ay nasa Qatar para ipatupad ang repatriation ng OFW’s.