Dumating na sa South Korea ang kauna-unahang batch ng commercial shipment ng okra mula sa Pilipinas.
Ito’y matapos itigil ng Pilipinas ang pagpapadala ng okra sa nasabing bansa sa nakalipas na 10 taon.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, tinatayang aabot sa 1,800 kilo ng okra ang lumapag sa Incheon Airport noong ika-6 ng Hunyo.
Sakay ang mga dinalang okra mula Pilipinas ng Philippine Airlines flight PR-8684 mula sa Ninoy Aquino Inernational Airport (NAIA).
Sinabi ng kalihim, tiwala siyang malaki ang maitutulong ng mga dinalang okra sa South Korea upang mapalakas ang produksyon nito sa Pilipinas.