Naantala ang biyahe ng unang batch ng mga Pilipino sa Iraq na pabalik na sana ng pilipinas.
Batay sa ulat, bigong makalipad paalis ng Baghdad International Airport ang mga nabanggit na Pilipino dahil sa problema sa exit visa.
Ayon kay Middle East special envoy Roy Cimatu, nakatakda sana siyang makipagkita sa unang batch ng mga OFW’s sa King Hamad International Airport sa Doha, Qatar.
Sa naturang airport aniya naka-schedule ang biyahe ng mga ito pabalik ng Pilipinas, kahapon ng 3:00 ng madaling araw, oras sa Pilipinas.
Sinabi ni Cimatu, nananatili pa rin sa Baghdad ang nabanggit na grupo ng mga Pilipino kasama ang opisyal ng Pilipinas sa pangunguna ni Charge D’ Affairs Jomar Sadie.
Umaasa naman si Cimatu na agad ding mareresolba ang problema sa exit visa ng mga ito sa lalong madaling panahon.