Nakatakdang dumating ang unang batch na 193,0000 doses ng bakuna mula sa Pfizer Biontech sa Lunes, ika-9 ng Mayo.
Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III, na ibabahagi sa mga lalawigan na mayroong storage temperature na -70 °C.
Bagama’t hindi nilinaw ni Duque na kung ito ang doses ng Pfizer na mula sa COVAX facility na inaasahan ngayong buwan.
Magugunitang naantala ang pagdating ng unang batch ng Pfizer na unang inasahan noong Pebrero dahil sa kakulangan ng ilang requirements na kinakailangan sa bakuna.
Samantala, dumating na sa bansa ngayong araw ang dalawang milyong doses ng bakuna mula sa kumpanyang Astrazeneca.— sa panulat ni Rashid Locsin