Umarangkada na ang pagpapatupad ng Philippine Identification System (PhilSys).
Sinimulan ito ng Philippine Statistics Administration (PSA) sa mga benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga senior citizens at Person With Disabilities (PWDs).
Ayon kay PSA assistant secretary Lourdines Dela Cruz, target nilang matapos ang batch na ito hanggang sa unang bahagi ng 2020.
Susundan anya ito ng pagrerehistro naman ng mga empleyado ng PSA at iba pang mga nasa gobyerno bago ang mga nasa pribado at iba pang sektor ng lipunan.
Sinabi ni Dela Cruz na inaasahan nilang mairehistro ang may 110-M na Pilipino sa kalagitnaan ng 2020.
Tinitiyak po natin yung publiko na itong I.D. na ito ay mayroon ho siyang mga special features, meron siyang mga security features na nakalagay sa I.D.. Isa pa ho, meron poi tong QR code or quick response code, ito po yung magpapatunay na authentic ang inyong I.D. card,” ani Dela Cruz.
(Balitang Todong Lakas Interview)