Tumulak na pa-Israel ang 48 pinoy caregivers na bahagi ng unang batch ng 377 workers na ipapadala sa nasabing bansa sa ilalim ng government to government track.
Ang nasabing track ay resulta ng Bilateral Labor Agreement na nilagdaan ng Pilipinas at Israel noong 2018.
Nakasaad sa kasunduan na hindi na kailangang dumaan sa Private Recruitment Agencies ng mga aplikante at sa halip ay mag-apply ng trabaho sa pamamagitan ng POEA.
Layon ng kasunduan na matigil na ang pagsingil ng placement fees sa mga OFW na kadalasan ay umaabot ng P78,000.