Dumating na sa Zamboanga City ang unang batch ng police scalawags.
Bandang alas-6:30 ng umaga, Pebrero 21 nang lumipad ang C-130 mula sa Villamor Airbase patungong Zamboanga.
34 mula sa 53 pulis ay mula sa National Capital Region Police Office o NCRPO.
Ang grupo na binansagang “Task Force Basilan” ay magsisilbing dagdag pwersa sa Basilan Provincial Police Office.
Kamakailan ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reassignment sa mahigit 300 Pulis-Maynila sa Basilan sa loob ng 2 taon.
By Meann Tanbio