Nakarating na sa bansa ang kauna-unahang batch ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sputnik V.
3:50 ng hapon nang lumapag ang eroplanong may lulan sa 15k doses ng bakuna kontra COVID-19 na siyang sinalubong nina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III.
Bukod sa mga ito, kasama rin sa makasaysayang pagdating ng bakuna sina Eussian Ambassador to the Philippines Marat Pavlo at iba pa.
Mababatid na ang dumating na bakuna ay bahagi ng 10 milyong doses ng bakuna na makukuha ng bansa sa Gamaleya Research Institute ng Russia.