Dumating na sa bansa ang unang bugso ng suplay ng bakuna kontra COVID-19 na likha ng kumpanyang Moderna.
Ito’y lumapag sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3 bandang alas-11 kagabi.
Nasa mahigit 200 doses ng bakuna ang dumating sa bansa kung saan 194, 400 doses ay para sa gobyerno habang ang limampu’t limang libong dose dito ay para naman sa pribadongs ektor.
Matatandaang, aabot sa 20 milyong doses ng moderna vaccine ang natiyak ng pilipinas sa pamamagitan ng tripartite agreement sa pribadong sektor.
Sa bilang na ito, 13 milyong doses ang para sa gobyerno ng Pilipinas at pitong milyong dose naman ang para sa mga pribadong sektor.