Naputukan ng piccolo ang isang 10-taong gulang na lalaki sa Dingras, Ilocos Norte.
Ayon sa Health Emergency Management Office ng DOH Region 1, halos mawalan ng tatlong daliri sa kaliwang kamay ang di pinangalanang biktima nang paglaruan nito ang piccolo.
Agad namang isinugod sa Dingras District Hospital ang biktima, pero inilipat sa Gov. Roque Ablan Senior Memorial Hospital sa Laoag.
Maswerte namang naisalba ng mga doktor ang kaliwang kamay ng bata.
Kaugnay nito, nakatakdang ilunsad ng DOH ang “Iwas Paputok Campaign” sa Lunes, Disyembre 7 para sa nalalapit na New Year celebration.
By Meann Tanbio