Nagpapatuloy ang botohan sa iba’t ibang panig ng Estados Unidos para sa mga national position.
Inaasahang malalaman na ang unang bugso ng resulta ng eleksyon anumang oras mula ngayon.
Batay naman sa pinakahuling poll ng CNN, lamang umano ng apat na puntos si Democrat candidate Hillary Clinton kay Republican nominee Donald Trump.
Samantala, ibinasura ng isang hukom ang hirit ng kampo ni Trump na atasan ang isang County Registrar of Voters na i-preserve at ihiwalay ang mga balota mula sa mga voting machine sa apat na early voting sites sa Clark County, Nevada.
Sinasabing pumalag ang mga abogado ni Trump nang palawigin ng mga election official ang oras ng botohan na higit pa sa itinakdang closing time.
Idinepensa rin ng mga ito na kailangang i-proseso pa rin ang boto ng mga nakapila kahit pa tapos na ang itinakdang oras ng botohan sa kanilang lugar.
Trump and Clinton
Balik-New York na sina democratic standard bearer Hillary Clinton at republican presidential candidate Donald Trump para hintayin ang magiging resulta ng halalan.
Kapwa nasa manhattan sina Hillary at Trump na mga New Yorker sa araw ng halalan.
Nasa Hilton Midtown Hotel si Trump kung saan siya magbibigay ng victory speech sakaling manalo.
Si Clinton naman ay nasa Jacob K. Kavits Center kung saan isasagawa ang victory party nito sakaling manalo.
Madaling araw na sa Estados Unidos o kahapon ng hapon sa Pilipinas, tinapos ng dalawang kandidato ang pangangampanya.
By Jelbert Perdez | Mariboy Ysibido