Nagbigay ng tatlong araw na deadline ang COMELEC o Commission on Elections sa mga kandidato para alisin ang kanilang campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar.
Sa programang Radyo Comelec sa DWIZ, sinabi ni Dir. James Jimenez na batay sa COMELEC rules, dapat may sukat lamang na 2 by 3 feet ang mga campaign poster at ito’y dapat ikabit lamang sa common poster areas.
Sakaling patuloy sa paglabag ang isang kandidato, posible itong makulong, pagbayarin ng multa o di kaya’t madiskuwalipika sa halalan.
Sa pangkalahatan, sinabi ni Jimenez na pangkalahatang naging mapayapa naman ang unang dalawang araw ng campaign period para sa lokal na posisyon.
“Pinapaalalahanan din natin, partikular sa kampanya, yung mga kandidato na keep it clean, make sure na yung mga campaign sorties ninyo ay hindi mag iiwan ng basura katulad ng supot ng mga pagkain, o mga bote ng tubig, mga plastics, nakakadagdag po yan sa trash problem natin. As it is, hirap na hirap na yung Pilipinas to deal with garbage and sasalihan pa ng ganyan. Kung talagang mahal ninyo yung lugar kung saan kayo tumatakbo for elected office, dapat ay hindi niyo siya binabasura.”