Nakatakda nang bumiyahe mamayang gabi ang unang Dalian train set ng MRT-3.
Kasunod na rin ito ng go-signal ng Japanese maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo Corporation-Mitsubishi Heavy Industries TES philippines para maideploy ang isa sa mga Dalian train.
Ipinabatid ng DOTR-MRT3 na bibiyahe ang isang Dalian train na may tatlong coaches mamayang 8:30 p.m. hanggang 10:30 p.m. na kasagsagan ng rush hour.
TINGNAN: Isang Dalian train, bibiyahe simula mamayang gabi, ayon sa @dotrmrt3 https://t.co/jN65IPekXQ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 15, 2019
Nakasaad sa consent na ang tren ay idedeploy sa initial trial period hanggang masimulan ang proseso sa pagpapalit ng riles sa MRT-3 sa November 2019.
Mayroong tatlong Dalian trains ang MRT-3 na lahat ay nakapasa na at nakumpleto na ang commissioning at validation tests na 150-hour run.
Maaaring makapagsakay ng 1,500 pasahero bawat biyahe ang kada Dalian train.