Ipinalabas na ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang kauna-unahang executive order na may kaugnayan sa implementasyon ng open governance policy.
Sa ilalim ng Executive Order No. 1, ipinag-utos na ilabas sa opisyal na media platforms ang lahat ng ilalabas at maaprubahang mga executive order, appointments, ordinances, approval of projects at iba pang aktibidad.
Nais din ni Moreno na i-stream o ipalabas online sa social media ang ginagawang procurement, bidding activities, contract signing at official meetings para sa transparency.
Magkakaroon din ng opisyal na social media accounts ang mga ang mga city department upang dito nila ibahagi ang kanilang mga announcements at makuha ang opinyon ng publiko kaugnay sa mga polisiyang ipinapatupad ng lungsod.