Nakapagtala na ng unang firecracker related injury ang East Avenue Medical Center sa Quezon City.
Kinilala ang biktima ng paputok na si MJ, 62 taong gulang na lolo mula sa Barangay Pagasa sa Quezon City.
Ayon sa ulat, nasabugan ng whistle bomb ang biktima na agad din namang nakalabas ng ospital kaninang umaga.
Ang mga maitatalang firecracker injuries mula December 25 hanggang January 6 ay pagsasamasamahin pa muna ng Department of Health bago magpalabas ng statistics.