Isinagawa kaninang umaga sa quadrangle ng Marawi City Hall ang flag raising ceremony, isang araw matapos makabalik ang mga residente ng Barangay Basak Malutlut kung saan nagsimula ang giyera.
Naging emosyonal ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa opening prayer pa lamang.
Ayon kay Marawi City Mayor Majuk Gandamra, hindi nagtagumpay ang mga terorista na pabagsakin ang lungsod dahil na rin unang una sa security force ng militar na pinangalagaan ang sentro ng gobyerno sa Marawi.
Kasabay ng flag ceremony, isinagawa rin ang People’s Day sa compound ng Marawi City kung saan ibinigay ang ibat ibang serbisyo para sa mga residente nang tinaguriang Islamic City sa bansa.
Dumalo rin sa mga naturang programa sina ARMM Governor Mujiv Hataman at Assemblyman Zia Alonto Adiong.
—-