Isang ‘spectacular show’ ang ibinigay ng Queen of Pop, Madonna sa unang araw ng kanyang 2-day Rebel Heart Tour concert sa bansa, kagabi.
Ayon sa report, kapansin-pansin ang mga hi-tech na ilaw at effects sa concert, nakamamanghang set design at kasama na rin ang magagarbong costume ng pop icon.
Ilan sa mga kinanta ni Madonna ay ang kanyang mga new single na “Iconic,” “B*tch, I’m Madonna,” “Body Shop,” at “Living for Love,” ngunit di rin nakalimutan ng singer ang mga tinaguriang ‘all time favorites’ na, “Burning Up” “Vogue,” “Deeper and Deeper,” “Like a Virgin,” “La Isla Bonita,” “Take a Bow,” “Material Girl,” at “Holiday.”
Sa gitna ng kanyang performance sa Manila crowd, sinabi ng legendary singer na masaya siya na matapos ang 32 taon ay nagagawa pa rin niya ang mahal niyang gawin.
Namataan din sa concert ang ilang sikat na artista katulad na lang nina Vice Ganda, Anne Curtis, John Lapuz, Iza Calzado, Ina Raymundo at marami pang iba.
Nakatakda naman ang huling araw ng concert ni Madonna sa bansa ngayong gabi.
Photos: Screengrab from Globe Telecom's Instagram account