Nakuha ng Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya para sa archery sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games (SEA).
Ito ay sa pamamagitan ng mag-asawang archer na sina Rachelle at Paul Dela Cruz.
Naungusan ng mag-asawa ang tandem ng Vietnam na sina Van Day Nguyen at Kieu Oanh Chau sa score na 148 – 147 sa mixed compound category.