Nakasungkit na ang Pilipinas ng una nitong gintong medalya sa 2017 Southeast Asian Games na ginaganap sa Malaysia.
Ito ay makaraang pangibabawan ni Mary Joy Tabal ang women’s marathon.
Maliban sa isang gintong medalya, mayroon na ring isang pilak at dalawang tansong medalya ang Pilipinas magmula nang magbukas ang palaro.
Matatandaang noong nakaraang taon lamang nang sumabak sa Rio Olympics si Tabal para sa women’s marathon kung saan natapos ito sa ika-124 na puwesto.
Samantala ang Pinoy marathoner naman na si Jeson Agravante ay hindi na nagawa pang tapusin ang karera matapos itong pulikatin at kinailangan ng atensyong medikal.
By Ralph Obina