Nakuha na rin ni Hidilyn Diaz ang kauna unahan nyang medalyang ginto sa SEA Games.
Nanalo si Diaz sa women’s 55 kilogram weightlifting competition matapos nyang mabilis na mabuhat ang 91 kilogram at 120 kilogram barbell.
Nakilala si Diaz matapos manalo ng silver sa 2016 Olympics at gold sa 2018 Asian Games.
Pagkakataon na sana ni Diaz na tangkaing makasungkit ng ginto nuong 2017 SEA Games subalit tinanggal ng host country na Malaysia ang womens weightlifting nuong panahong iyon.
Una nang nakapaglaro sa SEA Games si Diaz nuong 2007, 2011 at, 2013 kung saan nakakuha sya ng dalawang silver at bronze medals.