Nasungkit ng dalawang Pinoy triathlon ang unang gold at silver medal ng Pilipinas para sa 30th Souheast Asian (SEA) Games.
Wagi si John Rambo Chicano mula Olonggapo na makuha ang gold medal sa SEA Games men’s trialthlon matapos ang kanyang 1 hour, 53 minutes, at 24 seconds na record.
Habang si Kim Remolino naman mula Cebu ang nakasungkit ng silver medal sa kaparehong sports sa record na 1:55:01.
Ayon kay Coach Melvin Fautino, trainer ni Chicano, talagang nag bunga ang matinding pag eensayo ni Chicano, dahilan para makuha nito ang SEA Games gold medal.
Aniya, mula sa 1 hour at 56 minutes nitong record noong 2017 SEA Games, ay nagawa pa nitong 1 hour at 53 minutes record ngayong taon, higit na mas mabilis sa 1 hour at 55 minutes na inaasahan nya.
Masaya naman at hindi makapaniwala si Remolino sa kanyang kanyang achievment sa unang laro sa SEA Games.
Aniya, mula sa junior level ay nakapag laro agad siya sa SEA Games at nakasungkit pa ng silver medal.
Kagabi, Nobyembre 30, nang opisyal na buksan ang 30th SEA Games sa Philippine Arena.