Ipinagmalaki ng PNP-Region 6 na napanatili nila ang kapayapaan sa isla ng Boracay, sa Aklan sa unang buwan ng pagsasara nito sa mga turista.
Ayon kay PNP Region 6 Director, Chief Supt. Cesar Hawthorne Binag, labing-isang (11) krimen lamang ang naitala nila simula April 26 hanggang May 25.
Kumpara ito sa halos isandaang (100) krimen sa kaparehong panahon noong isang taon.
Napawi aniya nila ang mga pangamba noon na tataas ang bilang ng krimen sa Boracay sa sandaling isara ito dahil sa posibilidad ng nakawan.
Sa ngayon, nasa animanraang (600) pulis o isang batalyon ang nakadeploy sa isla.
—-