Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang unang naitalang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa Batangas Provincial Veterinary Office, nakapagtala sila ng kaso ng ASF sa Barang, Molinete sa Bayan ng Laurel.
Kanila nanag ipinagtataka kung paano nakapasok at nagsimula ang nabanggit na sakit sa alagang baboy gayung ilang linggo rin anilang naka-lockdown ang bayan ng Laurel dahil naman sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sa kasalukuyan, agad nang nagpatupad ng 1-7-10 protocol ang Department of Agriculture sa apektadong lugar para mapigilan ang pagkalat pa ng ASF sa ibang lugar sa Batangas.