Kinumpirma ng South Korea ang unang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang bansa.
Ayon sa Agriculture Ministry ng SoKor 5 baboy ang nasawi dahil sa ASF virus sa isang farm sa Paju City na malapit sa border ng North Korea.
Ang kumpirmasyon ay ginawa 3 buwan mula nang sabihin ng Pyongyang sa World Organization for Animal Health na dose-dosenang baboy sa isang pig farm malapit sa border ng China ang namatay sa ASF.
Base sa impormasyon, mayruong halos 7,000 pig farms sa SoKor o 40% sa kabuuang livestock industry sa kanilang bansa.