Naitala sa bansa ang unang kaso ng B.1.1.318 variant ng COVID-19.
Ayon sa DOH, na-detect ito mula sa isang 34 anyos na lalake na dumating sa bansa mula sa United Arab Emirates noong March 5.
March 10 naman nang makolekta ang sample nito mula sa Philippine Red Cross at maka-rekober sa sakit noong March 21.
Nabatid na mula sa Bacolod City ang lalake.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang variant na ito ng COVID ay under monitoring batay sa klasipikasyon ng World Health Organization.
Gayunman sinabi ni Vergeire na walang dahilan para mag-panic ang publiko.