Natunton na sa Negros Oriental ang unang kaso ng Omicron subvariant na BA.4 sa bansa.
Kinumpirma ng Negros Oriental Provincial Health Office na naitala sa bayan ng Dauin ang kaso ng BA.4 na kabilang sa variant of concern.
Ayon kay assistant provincial health officer, Dr. Liland Estacion, magaling na ang pasyente bago pa man dumating sa probinsya.
Ang nasabing pasyente na isang seafarer at dalawang linggong sumailalim sa quarantine sa isang hotel sa Metro Manila, subalit hindi naman binanggit ni Estacion kung kailan.
May 4 nang dumating sa bansa ang Pinoy seafarer mula middle east.
Samantala, sumailalim na ang balikbayan at pamilya nito sa swab test habang sinusuri na sa laboratoryo ang kanilang specimens.