Naitala ng Department of Health o DOH ang unang kaso nang nabiktima ng paputok ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Batay ito sa naitala ng DOH sa kanilang Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 Program.
Nagtamo ng sugat sa kanang kamay ang isang 11-anyos na lalaki matapos maputukan ng piccolo na itinuturing na illegal na paputok.
Gayunman, sinasabing mas mababa ito ng limang kaso sa five year average mula 2012 hanggang 2016 at sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Samantala, wala pa namang naitatala ang DOH ng kaso ng pagkalunok ng paputok at insidente ng ligaw na bala sa kahit na anong bahagi ng bansa.
—-