Naitala ang unang kaso ng bird flu outbreak sa Pilipinas sa bayan ng San Luis sa Pampanga.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, 38,000 mga manok ang namatay sa bayan ng San Luis dahil sa Avian Influenza Type A Subtype H5.
Dahil dito, pansamantalang ipinagbawal ni Piñol ang pagbiyahe ng mga manok mula sa Luzon patungo sa iba pang lugar sa bansa.
Nakatakda rin anya nilang patayin ang may kalahating milyong manok upang maiwasan ang pagkalat ng virus.