Kinumprma ng Ecuador ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Andean Country.
Ayon sa health ministry, isang babaeng Ecuadorean na taga Spain ang dinapuan ng virus.
Wala naman umanong ipinapakitang sintomas ng COVID-19 ang ginang nang dumating ito sa kanilang bansa noong Pebrero 14.
Ngunit bigla na lamang daw itong nagkasakit kayat agad na dinala sa pagamutan.
Dito na umano na natuklasan na positibo sa COVID-19 ang pasyente na nasa intensive care unit (ICU) ngayon sa isang ospital sa nabanggit na bansa.