Nakapagtala na ng unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang bansang Egypt.
Ayon kay Health Ministry spokesman Khaled Mugahed, ito rin ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Africa.
Inilarawan ang biktima bilang isang dayuhan na kasalukuyang nasa ospital at naka-isolate.
Gayunman, hindi tinukoy ng Egypt ang nationality ng naturang biktima.